Friday, June 4, 2010

My Class Prophecy 2009-2010


Taong 2020 kung saan ang lahat ng bagay ay nagbago, mas lalong laganap ang computer at ang iba pang makabagong uri ng teknolohiya. Grabe na talaga… Habang ako ay ngpapahinga sa aking condominium, pinaalalahanan ako ng aking assistant sa mga dapat kong gawin sa araw na ito at ibinigay niya sa akin ang mga sulat, Abah! Teka !!! Ano kya itong isang sobre na kakaiba at nkapukaw pansin sa akin…biglang kumabog ang aking puso… Dali-dali ko itong binuksan at binasa… naluha ako ata dahan-dahang pinunasan ito. Isang paanyaya para sa reunion ng aming klase. Yes!!! Sa wakas!!!. Ito na ang pinakahihintay naming lahat. Hindi ko mapigilang alalahanin muli ang mga kamag-aral ko, ang mga masasayang araw, kakulitan, at katigasan ng ulo namin sa Corinthian Institute of Cavite. Ha..Ha..Ha.., di ko mapigilang tumawa. Kaya naman inutusan kong kanselahin ng aking assistant ang lahat ng mga appointments ko sa araw ng aming bonggang reunion, hindi ko ito dapat palampasin. OVER.. iba ang araw na ito.

Nababagot na ako.. kaya naisipan kong manood ng TV. “Oh..my.. totoo ba ito? o nananaginip lang ba ako? Sina Erika Marinduque at Rolando Villanueva ang nasa programa. Sikat na sikat na sila ngayon bilang batikang reporters, nakapanayam na nila ang mga kilalang tao sa mundo, sa katunayan, nag-uulat sila direkta mula sa kalawakan, inihahatid ang balita tungkol sa pagkakatuklas ng iba pang buhay na planeta. Nakakatuwa naman….ibang level na talaga. Inilipat ko sa ibang istasyon sa Discovery Channel at panibagong SHOCKINGS !!! lunas laban sa cancer, Turret syndrome at alzheimer’s disease ang lunas ay natuklasan ng mga doctor na kilala sa buong mundo sina Dr. Azeriel Elijay, Dr. Anicia Ross Ancaja at Dr. Daphne Salvador.. teka kilala ko sila….sila nga ! Ang mga klasmeyts ko nung hayskul !! WOW !! Lumelevel-up na talaga kami !.

KAAZAR!!! Nagpatalastas pa.. ipinakilala ang bagong pagkakatuklas ng isang chemist, si Dr. Mary Ann Miguel, ito ay tungkol sa gamot na makakapagpatangkad in only 5 days sa isang tao. Sa katunayan, ang mga kilalang kompanya ng mga damit sa buong mundo ang Espina-Petracorta Fashion Company o EPFC at biruin mo.. si Ian Lordlee Darilay ang klasmeyt kong hindi gaanong katangkaran ay sinubukan ito at ABA .. TEKA!!!

Tumangkad nga siya. At ngayon.. siya na ang patok na modelo ng Guess, Gucci, Ralph Lauren at Armani. Para sa kaalaman ng lahat ang EPFC ay isang kompanya ng damit na pag-aari nina Geralvy Espina at Jenny Petracorta. WOW !!! napakarami na nilang branch sa buong mundo ata ang linya ng kanilang damit ay kilala at pawang ginagamit ng mga maharlika. HANEP TALAGA !!!

Hindi na ako makahinga sa sobrang tuwa… inilipat kong muli sa ibang istasyon, sa MTV, nakuha muli ang aking atensyon sa isang masigla at kaakit-akit na musika ng isang bagong mang-aawit na sina Ms. Aphrylene Angcaya, Bryan Macaranas at Kim Martinez. Biruin mo… sikat na rin sila.. Mukhang lumilibot na sila sa ibat ibang panig ng mundo kasama ang knilang mga ka-bandang sila John Joshua Branda, ang kanilang lead guitarist, Ysabelle Mendaros, ang kanilang bassist, Alvin Fabrigaras, ang kanilang rhythm at Melvin Salvo ang kanilang sikat na drummer. Naluluha na ako.. hindi sa inggit o lungkot kundi sa tuwa, ipinagmamalaki ko sila lalo na kapag naaalala ko kung paano sila nagsimula sa kanilang pangarap sa pamamagitan ng pag-awit mula sa puso tuwing vacant period namin nung hayskul pa kami..
Maya-maya inoff ko na ang T.V. Sa aking pag-iisa, dinampot ko ang isang magazine, binuklat-buklat…bigla akong natigilan, nabuklat ko ang pahina kung saan napukaw ang aking atensyon, ang babasahin ay tungkol sa mga computers, nabasa ko ang mga pangalang Sarah Jane Villaflor, Jane Carlos at Adrian Olivay na gumawa ng software na kailangan ng pamahalaan ng Amerika, Englang at Russia.

Mas lalo akong namangha sa mga sumunod na pahina, hinangaan ko ang mga graphics at design, aba ! mas lalo akong nasorpresa, ito ay gawa ng Kurihara Graphic Design, na kung saan ang nagmamay-ari ay si Miyuki Kurihara kasama ang kanyang business partner na si Yua Abiera na isa na ring tanyag na tattoo artist.

Tumunog ang aking cell phone … sinagot ko ito… natuwa ako ng marinig ko ang boses ni Rajia Samain, na isa na ngayong kilalang negosyante. Ibinalita niya sa akin na kasama niya sa kompanya ang iba pa naming kamag-aral na sina Mig Uriel Derain, Rachelle Halim, Fritzie dela Fuente, Yvonne Nadel Salditos at Ella Grace Tandog. Lahat sila ay nagtayo ng mga negosyo at hala! Ito na ngayon ang nangungunang kompanya sa Pilipinas.

Ibinalita niya rin sa akin ang naging buhay ng iba pa naming kaklase. Ang flight niya sa China ay nasa ilalim ng pagpapalipad ni Chief Pilot Arthur Audine at ang kanyang co-pilot na si Micah Rose Serdeña at siyempre ang kanilang stewardess ay isang maganda at sexy na si Marnelli Borja.

Matagal kaming nag-usap at nabalitaan din namin na si Mark Glenn Oliverio ay undefeated champion na ngayon sa World Boxing Council at tinalo pa ang record ni Manny Pacquiao. Hindi lamang siya, si Chester Ramos at Jane Janine Dioso, ay undefeated grandmaster na rin sa Chess, isa pang PBA star ang ginawaran ng MVP at Best Player of the Season na si Neil Cuenza.

Namangha kami sa mga naging tagumpay ng aming batch mates at pareho kaming ngbalik-tanaw sa aming nakaraan, sino ang makapagsasabi na ang mainitin ang ulo na si Ara Xylene Generoso ay publisher na ngayon ng Cosmopolitan Magazine, sana lang ay hindi niya binibigyan ng mahirap na sandali ang kanyang editor-in-chief na walang iba kundi sa Marjerie Salvo.

Subalit ang pinaka nakabibiglang balita na aming natanggap at narinig ay ang pinakabatang nahalal na pangulo ng Republika ng Pilipinas, his excellency, na si Mr. President Eric Limson.

Nagpaalaman na kami sa telepono at pinaalalahanan namin ang bawat isa na hindi namin dapat mamiss ang grand reunion ng aming batch.

Masayang-masaya ako at halos lahat ng aking kamag-aral ay nangunguna sa kani-kanilang larangan at siyempre nagamit nila ang anumang bagay na natutunan namin mula sa pinakamamahal naming Alma Mater ang Corinthian Institute of Cavite.

At biglang tumunog ang aking alarm clock… nagising ako at nalaman ko na ang lahat ng ito ay panaginip lang pala, napangiti ako at naalala ko na Graduation Day na pala namin. Excited ako sapagkat nakatitiyak ako na lahat ng aming mga pangarap ay magkakatotoo.

Binabati ko ang aking mga kamag-aral sa araw na ito ng aming pagtatapos. Huwag nating kalimutan na ang katuparan ng ating mga pangarap ay nakasalalay sa ating pagpupursige at pagsisikap. At siyempre ang tamang gabay ng ating mga magulang at pananalig sa Poong Maykapal.

Mabuhay tayong lahat.. Kita-kita tayo pagkatapos ng sampung taon.. Maraming salamat. :)

----GRAXA :D

No comments:

Post a Comment